dzme1530.ph

Pilipinas, lalahok sa World Islamic Entrepreneurship Summit sa Indonesia sa Setyembre

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na lalahok ang Pilipinas sa World Islamic Entrepreneurship Summit sa Setyembre upang tulungan ang maliliit na negosyante sa Halal industry.

Ayon kay Aleem Siddiqui Guiapal, Program Manager for Halal Industry Development ng DTI, ang World Islamic Entrepreneurship Summit 2023 ay gaganapin sa Indonesia simula sa Sept. 6 hanggang 9.

Bukod sa Pilipinas, 12 pang bansa mula sa Southeast Asia, Middle East at Africa ang dadalo sa summit.

Sinabi ni Guiapal na magkakaroon din ng sessions sa papel ng kababaihan sa entrepreneurship, youth empowerment, pagsasanib ng teknolohiya sa digital economy at Halal finances para sa small and medium enterprises. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author