Kinikilala pa rin ng Pilipinas ang One China policy.
Ito ay sa kabila ng pag-suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-Te, na binalaan ng Mainland China kaugnay ng hindi pa rin mapipigilang pag-angkin sa kanilang bansa.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, nagkakaisa sa mutual interests ang Pilipinas at Taiwan, kabilang na ang kapakanan ng halos 200,000 overseas Filipino workers sa nasabing East Asian Country.
Matatandaang binati ng Pangulo si Lai sa pagkakahalal bilang sunod na Taiwanese President, at umaasa umano ito ng mas malalim na kolaborasyon at ng kapayapaan.
Sinabi naman ng DFA na ito ay paraan lamang ng pasasalamat ni Marcos sa pagho-host ng Taiwan sa mga OFW, at sa matagumpay na pagdaraos ng democratic process. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News