dzme1530.ph

Pilipinas, kailangan nang tumugon sa aktwal na sitwasyon sa WPS —PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan nang tumugon ng Pilipinas sa aktwal na sitwasyon sa West Philippine Sea.

Sa pag-bisita sa Malacañang ni bagong Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya, iginiit ng Pangulo na hindi na maaaring takpan pa ang kanilang mga mata at magpanggap na tila walang nangyari.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na magiging labis na mahalaga ang tulong na ipaaabot ng Japan pagdating sa mga kagamitan at training, lalo na kung susuportahan pa ito ng ibang kaalyado tulad ng Australia, America, at South Korea.

Gayunman, patuloy pa rin umanong magsusumikap ang bansa para sa kapayapaan, alinsunod sa foreign policy.

Idinagdag pa ni Marcos na ang pinaka-layunin pa rin ay mapanatili ang freedom of trade and navigation sa South China Sea.

About The Author