dzme1530.ph

Pilipinas, hindi titiklop sa harap ng collision incidents sa WPS

Hindi titiklop ang Pilipinas sa harap ng panibagong insidente ng salpukan ng Chinese vessels at Philippine vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, sa kabila ng mga panghaharas ay ipagpapatuloy pa rin ang resupply missions para sa mga tropang naka-posisyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Naninindigan din ang National Security Council na lehitimong aktibidad ang resupply mission sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone, alinsunod sa International Law.

Hinikayat naman ni bagong Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang China Coast Guard na sumunod sa maritime safety provisions ng UNCLOS at Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, upang maiwasan ang mga insidente sa karagatan.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author