Handa ang Pilipinas na magpaabot ng tulong sa bansang Morocco kasunod ng naranasan nitong magnitude 6.8 na lindol.
Ito ay kasabay ng pakikidalamhati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkamatay ng mahigit 2,000 katao bunga ng lindol.
Ayon sa Pangulo, handa silang magpaabot ng anumang kakailanganing tulong ng Morocco para sa mas mabilis nilang pagbangon.
Naniniwala naman si Marcos sa katatagan ng Moroccan people sa harap ng mga sakuna.
Nagpaabot naman ito ng dasal para sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News