dzme1530.ph

Pilipinas, babaguhin na ang diskarte sa sigalot sa WPS, ayon kay PBBM

Babaguhin na ng Pilipinas ang diskarte ng pakikipag-usap sa China kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ito ay dahil patuloy na binabalewala ng China ang mga tradisyunal na paraan ng pag-resolba sa isyu, kabilang ang pagpapadala ng note verbale, demarche o direktang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Beijing sa gobyerno ng China, paghahain ng diplomatic protest, at pagpapatawag sa Chinese ambassador.

Ang mga ito ay nagkaroon lamang umano ng napakaliit na progreso, kaya’t panahon na umanong gawin ang mga bagay na hindi pa nagagawa ng bansa.

Sinabi ni Marcos na dapat nang bumuo ng mga bagong konsepto na tinawag niyang “paradigm shift”.

Tiniyak naman ng Pangulo na mananatili ang Pilipinas sa direksyon ng kapayapaan, kaakibat ng patuloy na pakikipag-usap sa mga katuwang na bansa para sa pagkakaroon ng joint positions at kanya-kanyang responsibilidad sa karagatan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author