Pumirma ng kasunduan ang Pilipinas sa Sweden upang payagan ang Swedish Defense Industries na lumahok sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nilagdaan nina Defense chief Carlito Galvez Jr. at Swedish Defense Minister Pål Jonson ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa acquisition ng defense materiel sa pagitan ng dalawang bansa sa sidelines ng Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Ayon kay Department of National Defense spokesman Arsenio Andolong, sakop ng kasunduan ang kooperasyon sa larangan ng logistics, defense industry development at exchange of related information sa pagitan ng dalawang bansa.
Aniya, binuksan din ng agreement ang mga oportunidad para sa posibleng joint initiatives bilang suporta sa target ng Pilipinas na Self-Reliant Defense Posture. —sa panulat ni Lea Soriano