dzme1530.ph

Pilipinas at South Korea, target magsasagawa ng feasibility study para sa nakatenggang Bataan Nuclear Power Plant

Pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang Korea Hydro and Nuclear Power Company, Limited (KHNP).

Ito’y para bigyang daan ang pagsasagawa ng feasibility study sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Ayon kay DOE Undersecretary Sharon Garin, inimbitahan ng KHNP ang Philippine delegation para sa isang study tours sa South Korea sa katapusan ng Enero sa susunod na taon at lumagda sa feasibility study para sa nakatenggang nuclear asset ng bansa.

Ang KHNP Overseas Business Development Department ang sasagot sa lahat ng gastos para sa BNPP feasibility study, kabilang na ang posibleng training programs para sa Filipino professionals. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author