Lumagda sa dalawang kasunduan ang Pilipinas at Japan kaugnay ng kooperasyon ng coast guards ng magkabilang-bansa, at sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ito ay matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, sa sidelines ng ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo.
Sinaksihan ng Pangulo at ng Japan PM ang palitan ng memorandum of cooperation sa pagitan ng Philippine at Japan Coast Guard.
Mababatid na ang PCG ay suki sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang na ang magkakasusunod na water cannon incidents kamakailan sa resupply missions sa Ayungin at Scarborough Shoal.
Bukod dito, nagkaroon din ng exchange of notes para sa kooperasyon sa environmental protection sa pagitan ng Dep’t of Environment and Natural Resources, at Japan Ministry of Environment. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News