Posibleng bumilis ang pagkalat ng ASF Virus sa bansa ngayong summer vacation.
Ito ang ibinabala ng Department of Agriculture (D.A.) dahil madali anilang magkasakit ang mga baboy kapag panahon ng tagtuyot o dry season.
Ayon kay D.A. Asec. at Deputy Spokesman Rex Estoperez, marami rin aniyang bakasyonista ang gagala para mag-piknik, na maaring pagmulan ng virus.
Kaugnay nito, nanawagan si Estoperez sa mga pasahero na huwag magdala o magpasok ng sariwa o lutong pork products sa mga lalawigan, upang makontrol ang pagkalat ng ASF sa bansa.
Ginawa ng D.A. ang babala matapos mapasok ng nasabing sakit ang 16 na rehiyon sa Pilipinas.