dzme1530.ph

PHIVOLCS, pinag-iingat sa posibleng pagdaloy ng lahar ang mga residenteng malapit sa Mount Bulusan

Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residenteng malapit sa Mount Bulusan sa Sorsogon na mag-ingat sa posibleng pagdaloy ng lahar bunsod ng tumataas na aktibidad sa naturang bulkan.

Hanggang kaninang 9:00 ng umaga, nakapagtala ang PHIVOLCS ng kabuuang 116 na volcanic earthquakes malapit sa Mount Bulusan.

Bunsod nito, muling ipinaalala ng PHIVOLCS na bawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone, maging ang paglipad ng mga eroplano malapit sa bunganga ng bulkan na kasalukuyang nasa Alert level 1. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author