Posible ang pagdaloy ng lahar sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan.
Ito ang muling ipinaalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residente malapit sa bulkang Mayon na patuloy na maging handa at alerto.
Ibinabala rin ng ahensya ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng Mayon, kabilang ang naitalang 362 rockfall events, 39 volcanic earthquakes, at 5 pyroclastic density currents sa loob ng 24-oras.
Gayunpaman, nananatili sa ilalim ng Alert level 3 o high level of unrest ang bulkang Mayon. —sa panulat ni Airiam Sancho