Maaari nang makapagpa-rehistro ng Philippine Indentification System (PhilSys) ang returning at departing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga tanggapan ng Dept. of Migrant Workers.
Ito’y matapos lagdaan ng Phil. Statistics Authority (PSA) at (DMW) ang Memorandum of Agreement (MOA), na layong mapadali ang PhilSys Registration sa mga OFW.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, sa ilalim ng MOA ay pinahihintulutan nito ang ahensya na magtatag ng colocation site sa DMW Office sa Mandaluyong, gayundin sa sub-department, agencies, regional offices, at One-Stop Service Centers ng mga OFW sa buong bansa.
Sa naturang sites, pwedeng makapag-register ang OFWs para sa kanilang PhilSys, makapag-access ng EPhilID, makahingi ng tulong mula sa itinalagang tauhan mula sa PSA at DMW, at makakuha ng informational materials kaugnay sa PhilSys. —sa panulat ni Airiam Sancho