dzme1530.ph

Philippine Sepak Takraw Team, wagi ng bronze medal sa nagpapatuloy na Asian games sa China

Nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang medalya sa Sepak Takraw, sa nagpapatuloy na 19th Asian games sa Hangzhou, China.

Nakamit ng Team Philippines ang bronze medal makaraang matalo sa Indonesia sa score na 15-21, 25-24, 21-17, sa semifinals ng men’s quadrant event.

Unang pinadapa ng Philippine Sepak Takraw Team ang Singapore sa score na 21-8, 21-15, para maka-abante sa semis.

Ito ang ika-11 medalya ng Pilipinas sa Asiad ngayong taon, kasunod ng gintong medalya mula kay EJ Obiena, silver medal mula kay Arnel Mandal, at walo pang bronze medals. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author