dzme1530.ph

Philippine Navy, tiniyak ang mas matibay na ugnayan sa US at Japan

Nangako ang Philippine Navy na makikipagtulungan sa United States Navy at sa Japan Maritime Self-Defense bilang bahagi ng kanilang hakbang na palakasin pa ang kanilang kapabilidad.

Kasunod ito ng Courtesy Call Nina 7th Fleet Commander Vice Admiral Karl Thomas ng US Navy, at Japan Self Defense Fleet Commander Chief Vice Admiral Akira Saito kay Philippine Navy Chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr., sa Naval Station Jose Andrada, sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Present din sa meeting si Philippine Navy Fleet Commander Rear Admiral Renato David.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Benjo Negranza, tinalakay ni Adaci at ng tatlong fleet commanders kung paano sila magtutulungan bilang partners sa iba’t ibang aktibidad, kabilang ang capability development, training at pagpapalitan ng kaalaman na pakikinabangan ng tatlong puwersa. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author