dzme1530.ph

Philippine National Women’s Football Team, naka-abante sa quarterfinals ng 2023 ASIAN Games

Pasok na ang Philippine National Women’s Football Team sa quarterfinals ng 19th ASEAN Games, sa Hangzhou, China, makaraang padapain ang Myanmar sa score na 3-0, sa Wenzhou Sports Center Stadium, kagabi.

Binasag din ng Filipinas ang target ng kapwa FIFA Women’s World Cup debutant na Vietnam na ma-secure ang isa sa tatlong best second placers sa pagtatapos ng group stage.

Natalo ang Vietnam sa Japan sa score na 7-0 sa group C, ilang oras bago lumaban ang Filipinas, dahilan para umasa nang panalo si Coach Mark Torcaso laban sa Myanmar upang humaba ang kampanya ng pambansang koponan sa ASIAD.

Gayunman, ang Japan na tumulong para pabagsakin ang Vietnam ang makakaharap ng Filipinas bukas, sa quarterfinal.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author