dzme1530.ph

Philippine Men’s Volleyball team, napunta sa Group A makaraang magsagawa ng re-draw

May grupo na ang Philippine Men’s Volleyball team makaraang magsagawa ng re-draw ang Cambodia Southeast Asian Games Organizing Committee  (CAMSOC), para sa Men’s Indoor Volleyball event ng 32nd Sea Games sa Mayo.

Ang mga Filipino spikers na unang hindi nakasama sa draw noong April 15, ay mapapabilang sa “Group A” na binubuo ng defending champion na Indonesia, Singapore at Cambodia habang Group B naman ang Vietnam, Thailand, Malaysia, at Myanmar.

Samantala, ang kanilang women counterparts naman ay una nang nailagay sa Group B, kasama ang Vietnam, Singapore, at Cambodia. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author