Magbibigay ang Japanese Government sa Philippine Coast Guard (PCG) ng State-of-the-Art Satellite Data Communication System na makatutulong upang mapagbuti ang maritime law enforcement capabalities nito.
Ayon sa PCG, ang system na nagkakahalaga ng 1.1 billion yen o P432 million ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan.
Naisa-pormal ang grant matapos lagdaan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa ang exchange of notes noong Martes.
Si Koshikawa ay isa sa foreign diplomats na nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at nababahala sa mga ginagawa ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano