dzme1530.ph

Philippine Army mas paiigitingin ang Intellligence ops laban sa Communist Terrorist Group

Mas paiigtingin ng Philippine Army ang intelligence operations and gathering laban sa mga makakaliwang grupo o Communist Terrorist Group.

Sinabi ito ni Army Commanding General Lt. Gen Romeo Brawner Jr. sa pagdiriwang ng ika-49 na aniversaryo ng Spearhead Trooper sa Fort Bonifacio, kahapon.

Ayon kay Brawner, ang pagpapalakas ng intelligence gathering ang magtuturo sa mga sundalo sa anomang hakbang ng mga kalabang grupo nang sa ganun maiwasan ang anomang banta nito sa mga mamamayan.

Ipinagmalaki rin ng Brawner ang mga halos 77 pakikipaglaban nito sa mga communist group gayundin ang mga pagsuko ng halos 149 na mga armadong grupo para pumanig sa pamahalaaan. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author