dzme1530.ph

PhilHealth, umapela sa publiko na huwag nang ipakalat pa ang nag-leak na data mula sa kanilang system

Nanawagan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na huwag nang ipakalat pa ang mga iligal na nakuhang datos mula sa kanilang system na resulta ng ransomware attack noong Sept. 22.

Ipinaalala ni PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma Jr. na posibleng patawan ang mga hacker ng 20-taong pagkabilanggo habang ang mga nag-download, nag-process o nag-share ng datos ay mayroong ding katapat na parusa.

Tiniyak din ng state health insurer na handa silang humarap sa alinmang pagsisiyasat tungkol sa insidente, at makikipagtulungan sa investigating agencies.

As of October 6, sinabi ng PhilHealth na 100 mula kanilang public-facing applications ang nakabalik na online.—sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author