dzme1530.ph

PhilHealth, hinimok na ipaliwanag sa publiko ang benepisyo ng pagtataas ng kanilang premium

Ipinalalatag ni Senador Francis Tolentino sa PhilHealth ang lahat ng benepisyong makukuha ng mga miyembro nito sa gitna ng pagtataas ng kanilang premium.

Sinabi ni Tolentino na sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ay mauunawaan ng taumbayan kung bakit kinakailangan ang dagdag na kontribusyon.

Sa paliwanag naman ni PhilHealth Spokesperson Rey Balena kay Tolentino, kasama sa bagong mga benepisyo ang expanded coverage ng dialysis mula 90 sessions hanggang 156, mental health coverage na hanggang P60,000, at mga programa para sa stroke at hemorrhagic sectors.

Sinabi pa ni Balena mandato ng PhilHealth na dagdagan ang benepisyong kanilang ibinibigay sa bawat dagdag na kontribusyon ng mga miyembro.

Nakasaad anya ito sa Universal Healthcare Law na nilagdaan noong 2019. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author