dzme1530.ph

Phil. Domestic Submarine Cable Network na magpapabilis ng fiber internet, inilunsad ng Pangulo

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinaka-mahabang domestic submarine cable network sa Pilipinas, na inaasahang magpapabilis ng fiber internet.

Sa Seremonya sa the Peninsula Manila Hotel sa Makati City, pinangunahan ng Pangulo ang lighting o pagpapailaw sa 2,500 kilometer Philippine Domestic Submarine Cable Network.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Marcos ang pagiging positibo at excited para sa PDSCN na ito na ngayong may pinaka-mataas na capacity sa lahat ng domestic submarine fiber cable network sa bansa, at ito ang magko-konekta sa mga isla mula sa Quezon hanggang Zamboanga.

Tiniyak din ng Pangulo na sa tulong ng pribadong sektor ay patuloy na magsusumikap ang gobyerno upang mabigyan ng abot-kayang internet service ang mga Pilipino, at maiangat ang bansa sa world standings sa broadband at mobile internet speed.

Ang PDSCN ay proyekto ng Infinivan Inc., Globe Telecom, at Eastern Telecommunications, at nagkakahalaga ito ng $150-million.

About The Author