Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mailigtas ang 17 Pinoy seafarers na hinostage ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ayon sa Pangulo, nakikipag-ugnayan na ang Dep’t of Foreign Affairs sa kanilang counterparts sa Iran, Oman, Qatar, at Saudi Arabia, para sa updates kaugnay ng sitwasyon.
Regular ding nakikipag-usap ang Dep’t of Migrant Workers sa pamilya ng mga Pilipino.
Iginiit ng Pangulo na hindi nag-iisa ang mga Pinoy seafarer, at nagdodoble-kayod ang pamahalaan upang sila ay maiuwi sa bansa.
Ang 17 Pinoy ay kabilang sa 25 crew members ng “Galaxy Leader” cargo vessel na hinijack ng Houthi rebels. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News