Isinulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at European Union, sa EU-ABC Annual General Meeting Gala Dinner sa Makati City.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na umaangkop na ang timing at mga kondisyon para patatagin pa ang trade relations sa pamamagitan ng bilateral Philippine-EU Free Trade Agreement.
Iginiit ng Chief Executive na ito ay magiging win-win strategy sa dalawang panig.
Kaugnay dito, nanawagan si Marcos sa EU-ASEAN Business Council at European Chamber of Commerce in the Philippines na suportahan ang pagpapatuloy ng negosasyon kaugnay ng Free Trade Agreement, at magkaroon ng “fair treatment”.
Iginiit ng Pangulo na ito ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa ekonomiya ng magkabilang-panig habang nananatiling consistent sa core ideals ng EU para sa sustainable development, environment protection, at kooperasyon sa Indo-Pacific Region. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News