dzme1530.ph

PH Embassy sa China, inatasang iparating sa Chinese gov’t ang pag-kondena ng Pilipinas sa collision incident sa WPS

Inatasan na ng Philippine gov’t ang embahada nito sa China na iparating sa Chinese gov’t ang mariing pag-kondena ng bansa sa collision incident sa West Philippine Sea, na idinulot ng umanoy mga iligal na aktibidad ng China.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., inutusan si Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz na ipaabot sa Chinese Ministry of Foreign Affairs ang mensahe ng pag-kondena.

Ito ay kaakibat ng nauna nang paghahain ng diplomatic protest laban sa China, at pagpapatawag kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Kasabay nito’y kinilala ng DND ang ipinabatid na suporta ng mga kaalyadong bansa at iba pa laban sa mga agresibong aksyon ng China, kabilang ang America, Japan, Australia, Germany, Canada, The Netherlands, United Kingdom, at European Union. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author