dzme1530.ph

PEZA, nakakalap ng halos P11-B na investment pledges mula sa Japan

Umabot sa P10.8 billion na halaga ng investment pledges ang nakalap ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa kanilang limang araw na misyon sa Japan.

Ang mga ito ay mula sa Terumo Corporation, Taiyo Yuden Company Limited, TDK Corporation, at Almex Technologies.

Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na ang planong expansions ay repleksyon ng matatag na demand sa mga produkto ng mga naturang kumpanya.

Idinagdag ni Panga na titiyakin ng PEZA na matatanggap ng bansa ang mga nabanggit na investments. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author