Inaasahang makapag-aambag ang petrochemical industry ng P215-B sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng expanded JG Summit Petrochemicals Manufacturing Facility sa Batangas City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa kabuuang 6,200 na direct at indirect employees, ang nasabing planta ay maituturing na major contributor sa industriya.
Inilarawan din ito ni Marcos bilang vital link sa pag-aangat ng value chain, na nagtitiyak sa suplay ng isang kritikal na materyal sa produksyon tulad ng plastic packaging ng mga pagkain, mga damit, appliances, mga sasakyan, at electronic devices.
Kasabay nito’y pinuri ni Marcos ang planta na nagpapamalas ng cutting edge technology, nagpapakita sa kakayanan ng mga Pilipino, at nagpapatunay ng business confidence at muling pagsigla ng manufacturing sector. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News