dzme1530.ph

Petition for Habeas Corpus laban kina Justice sec. Remulla, NBI Chief de Lemos, inihain

Naghain ng petisyon laban kina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at National Bureau of Investigation Chief Medardo de Lemos ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa tatlong pahinang Petition for Habeas Corpus, hiniling ni Osmundo Rivero sa Manila RTC Office of the Clerk of Court na atasan sina Remulla at de Lemos na humarap sa Korte at dalhin nila ang pamilya ng suspek.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Rivero na kinuha ng mga sundalo ang kanyang 40-anyos na misis, 15-anyos na stepson, at 2-taong gulang na anak na lalaki mula sa kanilang bahay sa Zamboanga del Sur noong March 5.

Aniya, nabalitaan niya na dinala ang kanyang pamilya sa Maynila at binigyan ng accommodation ng Department of Justice at ng NBI.

Iginiit ni Rivero na labag sa batas ang pag-ditine sa kanyang pamilya at pinagkaitan sila ng kalayaan sa pamamagitan ng utos ng mga respondent. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author