dzme1530.ph

Petition for Bail ni dating Sen. Leila de Lima, ibinasura ng korte sa Muntinlupa

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang Petition for Bail ni dating Sen. Leila de Lima, ayon sa abogado ng dating mambabatas na si Atty. Filibon Tacardon.

Sa order na inisyu kahapon, hindi kinatigan ni Muntinlupa RTC Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura ang petisyon ni de Lima para sa Criminal Case no. 67, ang ikatlo at natitirang kaso laban sa dating Justice Secretary.

February 2021 nang ibasura ng Muntinlupa City RTC Branch 205 ang isa sa tatlong drug cases laban kay de Lima na ilang ulit itinanggi ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng Duterte Administration.

Pinawalang sala naman ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang ikalawang kaso laban sa dating senador noong Mayo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author