Kinumpirma ng Malacañang ang paglalabas ng Memorandum ng Presidential Management Staff, na nag-oobliga sa lahat ng incumbent presidential appointees na itinalaga bago mag-Feb 1, 2023, na mag-sumite ng updated documentary requirements.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang Memo ay bahagi ng pagre-review sa performance ng appointees, upang matiyak na nananatili silang kuwalipikado sa kanilang mga posisyon.
Sinabi pa ni PCO Sec. Cheloy Garafil na ito ay direktiba para sa lahat ng presidential appointees maging ang mga itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Mababatid na may mga nalalabing pang opisyal sa gobyerno na appointee ni dating pangulong Rodrigo Duterte. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News