Pina-planong i-invest ng Gov’t Service Insurance System ang kontribusyon sa pensyon ng military at uniformed personnel, sa ilalim ng isinusulong na Military Pension Reform.
Ayon kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, inatasan sila ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-manage ang pensyon ng security forces, at palalaguin umano nila ang pera.
Samantala, sa talumpati sa anibersaryo ng GSIS ay inihayag ng Pangulo na nagpapatuloy ang multisectoral discussions kaugnay ng pension reform.
Aminado rin si Marcos na ang Pension System ng military at uniformed personnel ay isang malaking trabaho, sa gitna ng mga kinaharap na legal at financial setbacks.
Kaugnay dito, iginiit ng chief executive na kina-kailangang magtatag ang gobyerno ng pinaka-angkop na strategic mechanism para tiyaking magiging maayos ang Pension System. — ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News