dzme1530.ph

Pelikulang “Barbie” na ban sa Vietnam, isasailalim sa review ng MTRCB ngayong Martes

Isasailalim sa review ng Movie and Television Review and Classification Board ang pelikulang “Barbie” ngayong araw ng Martes.

Tugon ito ni MTRCB Chairperson Lala Sotto, sa tanong kung iba-ban din sa Pilipinas ang pelikula na nagpapakita ng mapa ng nine-dash-line ng China sa South China Sea.

Nilinaw din ni Sotto na ang gagawin nilang review ay batay sa kahilingan ng local distributor ng pelikula para sa rating at classification.

Una nang napaulat na ipinagbawal sa Vietnam ang domestic distribution ng live-action film dahil sa eksena kung saan ipinakita ang solong pag-angkin ng China sa South China Sea. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author