dzme1530.ph

Pelikulang “Barbie,” hindi pinayagang ipalabas sa Kuwait bunsod ng concerns sa “public ethics”

Ipinagbawal sa Kuwait ang pagpapalabas sa mga sinehan ng hit film na “Barbie” bunsod ng “Public Ethics” concerns, pati na ang horror movie tampok ang isang transgender actor.

Ayon sa head ng Cinema Censorship Committee ng Kuwait, ang mga pelikulang “Barbie” at “Talk to Me” ay nagpapahayag ng mga ideya at paniniwala na taliwas sa Kuwaiti Society and Public Order.

Ang Gulf Arab States, kabilang ang Kuwait, United Arab Emirates at Saudi Arabia, na pawang kumu-kondena sa homosexuality, ay nire-review ang mga pelikula na naglalaman ng LGBTQ references.

Kamakailan ay “Ibinan” ng mga naturang bansa ang pinakahuling Spider-man animation noong Hunyo, dahil umano sa isang eksena na mayroong transgender pride flag. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author