Mariing pinabulaanan ng Phil Drug Enforcement Agency ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nasa drug watchlist nila ang Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Batay sa pahayag ni Duterte, noong siya ay alkalde ng Davao ay ipinakita sa kaniya ng PDEA na nasa listahan ang pangalan ng Pangulong Marcos Jr.
Naging alkalde si Duterte mula 1988 hanggang 1998; 2001 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2016.
in-activate ang PDEA noong July 30, 2002 at ng maitayo ang PDEA ay nagtatag sila ng National Drug Information System (NDIS) na hanggang ngayon ay nag-o-operate.
Ang NDIS ay ang intelligence database ng lahat ng drug personality na galing rin sa mga counter parts nila sa mga law enforcement agency maging sa intelligence agency.
Alinsunod sa mandato ng PDEA, sa ilalim ng RA 9165 regular silang nagsasagawa ng intelligence workshop kasama ang iba pang ahensya upang i-update ang NDIS.
Simula ng buuin ang NDIS noong 2002 hanggang ngayon ay hindi napasama sa NDIS ang pangalan ng Pangulong Marcos Jr.
Noong naglabas naman ng narcolist si Duterte noong 2016 wala rin sa listahan ang pangalan ni PBBM sa Inter Agency Drug Information Database (IADID).
Muling iginiit NG pdea na kaylanman ay hindi napasama sa watchlist ng PDEA ang pangalan ng Pangulong Marcos Jr.. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News