dzme1530.ph

PCSO, inimbitahan ang mga senador na obserbahan ang kanilang proseso sa lotto

Bukas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para bisitahin at obserbahan ng mga mambabatas ang kanilang proseso sa lotto.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na kumpiyansa sila sa integridad ng kanilang lottery processes.

Aniya, ang pinakamabisang paraan upang mabura ang anumang pagdududa sa resulta ay makita ng mga senador kung paano isinasagawa ang lotto draws.

Noong nakaraang linggo ay umani ng batikos mula sa netizens ang PCSO, dahil sa paggamit ng edited na litrato ng isang bettor na kumubra ng P43 million na jackpot mula sa Lotto 6/42 draw, at naging paksa sa senate hearing kamakailan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author