dzme1530.ph

PCG, tiniyak na secure ang kanilang website matapos ang ulat na tangkang cyberattacks

Tiniyak ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, sa publiko na ligtas ang website ng ahensya sa gitna ng mga ulat ng mga pagtatangka sa pag-hack sa kanilang Website.

Ayon sa pahayag ni CG Rear Admiral Balilo sinimulan nila ang imbestigasyon matapos na ipaabot ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa organisasyon ang umano’y hacking at tangkang pagpasok sa website ng ahensiya.

Giit ni PCG Balilo, hanggang ngayon, naka secure at wala silang na monitor na anumang kahina-hinala sa kanilang website.

Inatasan na ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT at magsagawa ng lubos na pagbabantay.

Sa huli sinabi ni Balilo na bagama’t ang website ay para sa public consumption, hindi nila hahayaang madungisan ang kanilang website ng mga hacker. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

 

About The Author