Nanindigan ni PCG Spokesman for the West Phil. Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na wala siyang babaguhin o babawin sa mga sinabi ukol sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.
Uminit ang diskusyon nang magkaharap sa Tri-Comm hearing sina Cong. Rodante Marcoleta at Commodore Tarriela.
Inamin ni Marcoleta na inulan siya ng batikos sa social media dahil ang tingin sa kanya ay kumakampi ito sa China dahil hindi man lang nilinaw ni Tarriela ang naging pahayag.
Pinanindigan naman ni Tarriela ang mga sinabi at sinusugan pa ang mismong pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na hindi kathang isip ang WPS.
Dagdag pa nito, wala siyang obligasyon na linawin ang naging pahayag o sumagot sa mga vloggers lalo na nang tawagin siyang mangmang ni Marcoleta.
Lalabas din aniya na ipinagtatanggol niya ang isang senatorial candidate.
Paglilinaw pa nito, wala siyang derektang pinangalanan at hindi rin gumamit ng salitang “traydor.”