dzme1530.ph

PCG, pumalag sa pahayag na tumataas ang tensyon sa West Philippine Sea

Mali para kay Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sabihing tumataas ang tensyon sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Tarriela na dumarami ang napapaulat na insidente sa West Philippine Sea dahil mas naging transparent ngayon ang national government.

Samantala, nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na alam na ng mga Pilipino kung sino ang gumagawa ng provocation.

Pahayag ito ni Guevarra sa deklarasyon ng China na itigil na ng Pilipinas ang provocation sa West Philippine Sea.

Ayon sa SolGen, bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang lugar kung saan binangga ng Chinese Coast Guard ang ating sasakyang pandagat.

Mayroon aniya tayong sovereign rights at hurisdiksyon sa naturang lugar. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author