Nangangamba ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibilidad na magkaroon ng oil spill matapos lumubog ang isang fishing vessel sa karagatang sakop ng Calatagan, Batangas.
Ayon sa PCG, ang barkong F/V ANITA DJ II ay may dalang 70,000 litro ng marine diesel oil at may sakay na 13 tripulante nang lumubog ito.
Samantala, kinumpirma ni PCG-Batangas Station Commander Captain Victorino Acosta na may namataan silang oil sheen sa mismong pinangyarihan ng insidente.
Nakaalerto na aniya ang kanilang incident command team at handa na sa oil spill response.
Dagdag pa ng opisyal, base sa galaw ng hangin, posibleng maapektuhan ang mga bayan ng Calatagan, Lemery, San Luis, Mabini at Isla Verde. —sa panulat ni Jam Tarrayo