dzme1530.ph

PCG, nangakong patuloy na hahanapin ang 4 na rescuers mula sa tumaob na aluminum boat sa Cagayan

Patuloy na hinahanap ang 4 na Philippine Coast Guard (PCG) rescuers na nawawala matapos tumaob ang isang PCG aluminum boat sa katubigang sakop ng Abulug, Cagayan, nitong Miyerkoles ng hapon.

Reresponde sana sa Tugboat Iroquis ang apat na rescuers upang sagipin ang pitong tripulanteng sakay ng naturang tugboat.

Habang binabaybay ang Cagayan River, tumaob ang aluminum boat dahil sa malakas na hangin at malalaking alon sa kasagsagan ng bagyong Egay.

Ikinasa na ang Search and Rescue Operation (SAR) na pansamantala munang itinigil dahil sa sama ng panahon.

Magpapadala rin ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) helicopter sa lugar para makatulong sa paghahanap sa apat na PCG rescuers.

Tiniyak naman ng PCG na kanilang gagawin ang lahat para mahanap at mailigtas ang mga rescuer.

About The Author