dzme1530.ph

PCG, kinumpirma na ang narekober na bangkay nitong Martes ang huling nawawalang pasahero ng nasunog na ferry sa Basilan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na ang narekober na bangkay sa karagatang sakop ng Hadji Mohammad Adjul, Basilan ang huling nawawalang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3.

Ayon sa PCG, kinilala ang nasawi na si Private First Class Marion Malda, isa sa mga sundalo ng Philippine Army na on board ng barko.

Dahil diyan, pumalo na sa 33 ang death toll.

Nabatid na patungo sana ang MV Lady Mary Joy 3 sa Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City noong March 29 nang masunog ito alas-10:40 ng hapon.

Samantala, sinabi ng PCG na nasa 219 ang mga nakaligtas mula sa naturang insidente.

About The Author