dzme1530.ph

PCG, hinimok rebisahin ang protocols sa paglalayag at pangingisda sa ating karagatan

Umapela si Sen. Christopher Bong Go sa Philippine Coast Guard na reviewhin ang kasalukuyang protocols sa karagatan.

Kasunod ito ng nangyaring trahedya sa pagkamatay ng tatlong mangingisdang Pinoy makaraang mabangga ng isang foreign oil tanker vessel ang kanilang fishing vessel.

Ito ay upang masuri kung nagkaroon ng lapses tulad ng lapse in coordination para matiyak na may mapapanagot sa insidente.

Hindi na anya dapat maulit ang ganitong trahedya dahil kawawa ang mga mangingisda na nagnanais lamang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Tiwala rin ang senador sa pahayag ni Pang. Bongbong Marcos na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatlong mangingisda.

Kasabay din ng kanyang pakikiramay ay nagpahatid na ng tulong ang senador sa pamilya ng mga nasawi.

Nangako rin ang mambabatas na palaging bukas ang kanyang tanggapan kung sakaling may kailanganin pang tulong ang pamilya ng mga mangingisda.

Muli namang iginiit ng senador na dapat ipaglaban ng bansa ang ating karapatan sa ating teritoryo at protektahan ang ating soberanya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author