Binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang operasyon ng mga bangka patungong Talim Island kasunod ng insidente noong Hulyo kung saan 27 ang nasawi.
Mas mahigpit na protocols ang ipinatutupad ngayon ng PCG at ng lokal na pamahalaan sa Binangonan, Rizal, para sa operasyon ng mga bangka.
Ayon sa Binangonan LGU, hindi na pinapayagan ang overloading at ino-obliga na ring magsuot ng life jacket ang mga pasahero.
Sinabi naman ni PCG Rizal Coast Guard Station Commander Alvin Austria na nag-deploy din sila ng karagdagang personnel sa lugar upang hindi na maulit ang kaparehong trahedya. —sa panulat ni Lea Soriano