dzme1530.ph

PCG, BFAR, sumasalo sa pangha-harass ng China para makapangisda nang maayos ang mga Pinoy sa Bajo de Masinloc

Maliban sa cyanide fishing, ini-report din ng mga lokal na mangingisda sa Bajo de Masinloc ang patuloy na pagbuntot sa kanila ng Chinese Coast Guard gamit ang rubber boats.

Bilang tugon, tiniyak ng Philippine Coast Guard na ipagpapatuloy din nila ang pagpapalakas ng kanilang presensya, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, upang magarantiyahan ang seguridad ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na batay sa pahayag ng mga mangingisda, nakakapangisda sila nang maayos kapag nasa paligid ang PCG at BFAR dahil ang mga ito ang sumasalo sa pangha-harass ng Chinese Coast Guard.

About The Author