dzme1530.ph

PBBM, Vietnamese President Vo Van Thuong, sumabak sa bilateral meeting

Nakipagpulong na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Vietnamese President Vo Van Thuong.

Sa post sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Marcos ang mga litrato nang welcome ceremony sa Presidential Palace sa Hanoi.

Kasunod nito ay sumabak ang dalawang lider sa bilateral meeting kasama ang mga miyembro ng gabinete ng kani-kanilang gobyerno.

Kasama ng pangulo sina Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, Trade Sec. Alfredo Pascual, National Security Adviser Eduardo Año, at iba pang opisyal.

Sa ngayon ay wala pang ibinahaging detalye ng pulong ngunit mababatid na una nang sinabi ni Marcos na palalalimin pa nito ang bilateral relations sa Vietnam, kabilang ang maritime cooperation para sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author