Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-Te.
Sa post sa kanyang X Account, inihayag ng Pangulo na kasama ang buong sambayanang Pilipino ay binabati niya ang susunod na magiging lider ng Taiwan.
Kasabay nito’y sinabi ni Marcos na umaasa siya sa mas malalim na kolaborasyon, pagpapalakas ng mutual interests, pagtataguyod ng kapayapaan, at pagtitiyak ng kasaganahan sa mamamayan sa mga susunod na taon, sa ilalim ng bagong liderato ng Taiwan.
Si Lai na kasalukuyang Vice President mula sa Ruling Democratic Progressive Party, ay nahalal noong Sabado bilang sunod na Pangulo ng nasabing East-Asian Country.
Hindi naman boto sa kanya ang Mainland China na naninindigan pa rin sa planong pag-angkin sa Taiwan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News