Tutulak na patungong United Kingdom si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nakatakdang pagdalo sa coronation ni King Charles III.
Ito ay sa pagtatapos ng official visit ng Pangulo sa Washington D.C., USA, kung saan sumabak ito sa bilateral meeting kay US president Joe Biden.
Ayon sa Pangulo, bukod sa coronation ceremony ay makikipagkita rin ito kay UK Prime Minister Rishi Sunak upang talakayin ang partnership ng Pilipinas at Britanya.
Inaasahang babanggitin din ni Marcos ang mga usapin sa ekonomiya, trade and investment, at pangangailangan ng pinoy health workers sa UK.
Ibinahagi rin ng pangulo na sa Gatwick Airport sa London siya lalapag, at pagmamasdan niya ang operasyon nito upang alamin kung maaari itong magamit sa mga paliparan sa Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News