Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ng bansa ang lahat ng obligasyon nito sa Asian Development Bank.
Sa honorary reception event sa ADB headquarters sa Mandaluyong City, inihayag ng Pangulo na itinataguyod ng Pilipinas ang mutually beneficial relationship sa ADB.
Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo na tutugunan nila ang lahat ng responsibilidad sa ADB, katulad umano ng sinabi ng kanyang amang si dating Pang. Ferdinand Marcos Sr. sa inagurasyon ng ADB 57- taon na ang nakakalipas.
Kasabay nito’y ipinangako ng Pangulo na maisasakatuparan sa takdang oras ang mga plano at proyekto ng gobyerno, at magagamit ng tama ang mga pondo mula sa loans at technical assistance.
Mababatid na ang ADB ay isa sa mga pangunahing institusyon na nagpapa-utang sa Pilipinas, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News