Tiniyak ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na nakatutok ang gobyerno sa paglikha ng mga oportunidad na magtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.
Ito ay kasabay ng pagpapaabot ng mensahe ng Pangulo sa pakikiisa sa selebrasyon ng Labor Day ngayong May 1.
Pinuri ni Marcos ang serbisyo at sakripisyo ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga larangan, at para sa malaki nilang ambag sa pagsulong ng bansa.
Binigyang diin din nito ang napakahalagang papel ng labor force sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagtatatag ng pundasyon sa maraming industriya.
Kaugnay nito, humiling ng tulong ang Pangulo sa pribadong sektor para sa pagtataguyod ng good governance at labor reforms upang mapanatili ang mga trabaho at ang productivity ng ekonomiya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News