Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi susuko ang gobyerno sa paghiling ng pardon para kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na sinintensyahan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug smuggling.
Sa interview pagkarating ng Indonesia para sa 42nd ASEAN Summit, inihayag ng Pangulo na hindi sila tumitigil sa paghiling sa Indonesia na mabigyan si Veloso ng pardon, clemency, o commutation o pagpapagaan ng sintensya.
Bukod dito, sinabi ni Marcos na humahanap sila ng paraan sa pagbabaka-sakaling papayag ang Indonesia na iuwi na lamang sa Pilipinas si Veloso at sila na lamang ang magpaparusa rito.
Gayunman, iginigiit umano ng Indonesian Gov’t na ganito ang kanilang batas at kailangan itong sundin.
Matatandaang pinostpone ang pagbitay kay Veloso noong 2015 matapos sumuko ang kanyang recruiter.
Si Veloso ay convicted ng Drug Trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia noong 2010. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News